Kampeon ng Wika 2024

Kampeon ng Wika 2024

Ang Kampeon ng Wika ay mataas na pagkilala sa mga indibidwal na nag-ambag sa pagpapaunlad at pagtataguyod ng Filipino at mga wika ng Pilipinas. Hinirang po na Kampeon ng Wika para sa taong 2024 ang  direktor ng “Lirip 8: Pangdaigdigang Kumperensiya sa Filipino,” Pangalawang Pangulo ng Network of Professional Researchers and Educators, Inc. (NPRE), at awtor ng “Gamhanan: Introduksiyon sa Wika (2024, Rex), Cristina D. Macascas, MAT! 

Si Associate Professor Cristina D. Macascas ay nagtuturo sa Philippine Normal University (PNU). Siya ay awtor, tagasalin, mananaliksik at ispiker sa mga seminar-worksyap at konggreso. Siya ang proponent at direktor ng LIRIP: Pambansang Kumperensiya sa Filipino. Siya ay Kinatawan ng Laguna sa Bigkis at Alyansa ng mga Nagtataguyod sa Wikang Filipino, Regional Director ng Sagip-Wika.   Nagtamo na rin siya ng iba’t ibang parangal kabilang ang Outstanding Teacher of the Year, Serviam Award, Ambasador ng Wika at Kultura, at Outstanding Educator in Filipino. Iginawad din sa kaniya ang pinakamataas na parangal sa Pamantasang Normal ng Pilipinas, ang Gawad Sulo. Isa rin si Prop. Macascas sa pinarangalan na Ulirang Guro ng 2022 ng Komisyon sa Wikang Filipino.