Lirip 7: Pandaigdigang kumperensiya sa Filipino: “Filipino sa Iba’t Ibang Larang.”

Lirip 7: Pandaigdigang kumperensiya sa Filipino:
“Filipino sa Iba’t Ibang Larang.”

Noong Setyembre 28-30, 2023 ay matagumpay na naisagawa ng NPRE ang Ika-7 Lirip sa University of Southern Mindanao, Kabacan, Cotabato. Ang pandaigdigang kumperensiya sa Filipino ay naisakatuparan sa pagtutulungan ng Lumina Foundation for Integral Human Development, De La Salle University – Southeast Asia Research Center and Hub (DLSU-SEARCH), Sentro ng Wika at Kultura ng Sorsogon State University at ng University of Southern Mindanao, National Commission for Culture and the Arts, at Consortia Academia.

Mainit at naging pagtanggap ng University of Southern Mindanao, sa pangunguna ng butihing Presidente ng USM, Dr. Francisc Gil Garcia, at Dr. Radji Macatabon, Direktor ng SWK ng USM sa mga delegado ng Lirip 7.

Nagkaroon din ng pagkakataon na makilala nang lubusan ng mga tao ang adhikain ng Lirip sa pamamagitan ng isang interbyu sa radyong DXVL-FM KOOL 105.6 sa tulong ni Mr. Brex Nicolas. Nagkaroon din ng MoU signing sa pagitan ng NPRE at USM sa pangunguna ni Dr. Fides del Castillo (NPRE President) at Prop. Cristina Macascas (NPRE Vice President at Direktor ng Lirip 1-7) upang mas mapalawig pa ang mga gawaing pangpananaliksik ng samahan at ng institusyon.