Boracay Ati: Nanganganib ang Wika at Kultura

Boracay Ati: Nanganganib ang Wika at Kultura

Noong ika-16 hanggang 18 ng Agosto (Buwan ng Wika) ay nagtungo si Dr Fides del Castillo (NPRE President), G. Clarence Darro del Castillo, MBA (Lumina Foundation President), at Gng. Cristina Macascas, MAT (NPRE Vice President) sa Boracay, Aklan upang magsagawa ng inisyal na dokumentasyon sa wika at kultura ng mga Boracay Ati. Ang naturang inisyatibo ay may pahintulot mula sa National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) at sa Tribal Chieftain at elders ng Boracay Ati Tribal Organization (BATO).

Ang pananaliksik ay pinondohan ng Lumina Foundation for Integral Human Development. Nagbigay naman ng donasyon ang Network of Professional Researchers and Educators sa Ati Village upang matulungan sila sa mga suliranin nila sa kanilang ancestral domain.

Layon ng mga mananaliksik na tumugon sa hamon ng Komisyon sa Wikang Filipino na idokumento ang mga nanganganib na wika at kultura ng mga katutubong mamamayan. 

​Ang papel pananaliksik ni del Castillo, del Castillo, at Macascas na “Boracay Ináti: Mga Tinig Mula sa Laylayan ng Pangakong Paraiso” ay babasahin sa 2nd International Conference on Language Endangerment na gaganapin sa Philippine Normal University sa ika 9–11 ng Oktubre 2024.