Dangal ng Wika at Kultura at Selyo ng Kahusayan sa Wika at Kultura 2024
Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino, ang “Dangal ng Wika at Kultura at Selyo ng Kahusayan sa Wika at Kultura” ay mga parangal “para mga Sentro ng Wika at Kultura (SWK) na nakabase sa iba’t ibang publiko at pilíng pribadong pamantasan at kolehiyo sa Pilipinas. Ibinibigay ang pagkilalang ito sa kanilang mataas na antas ng kahusayan at episyenteng pagsasagawa ng mga proyekto, at gawaing pangwika at pagkultura túngo sa ibayong pag-unlad, at pagsulong ng wikang Filipino at ng ibang mga wika ng Pilipinas.”
Para sa taong 2024, iginawad po ng Komisyon sa Wikang Filipino ang Dangal ng Wika at Kultura sa 𝐀𝐮𝐫𝐨𝐫𝐚 𝐒𝐭𝐚𝐭𝐞 𝐂𝐨𝐥𝐥𝐞𝐠𝐞 𝐨𝐟 𝐓𝐞𝐜𝐡𝐧𝐨𝐥𝐨𝐠𝐲 at 𝐒𝐨𝐫𝐬𝐨𝐠𝐨𝐧 𝐒𝐭𝐚𝐭𝐞 𝐔𝐧𝐢𝐯𝐞𝐫𝐬𝐢𝐭𝐲. Nakamit naman po ng 𝐁𝐢𝐜𝐨𝐥 𝐔𝐧𝐢𝐯𝐞𝐫𝐬𝐢𝐭𝐲, 𝐂𝐚𝐭𝐚𝐧𝐝𝐮𝐚𝐧𝐞𝐬 𝐒𝐭𝐚𝐭𝐞 𝐔𝐧𝐢𝐯𝐞𝐫𝐬𝐢𝐭𝐲, at 𝐂𝐞𝐛𝐮 𝐍𝐨𝐫𝐦𝐚𝐥 𝐔𝐧𝐢𝐯𝐞𝐫𝐬𝐢𝐭𝐲 ang 𝐒𝐞𝐥𝐲𝐨 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐡𝐮𝐬𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐖𝐢𝐤𝐚 𝐚𝐭 𝐊𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐚.
Pagbati po mula sa Lumina Foundation for Integral Human Development at Network of Professional Researchers and Educators! Ikinagagalak po namin na makasama kayo Dr. Felisa Marbella (Direktor, Sentro ng Wika at Kultura, Sorsogon State University), Dr. Lita Bacalla (Direktor, Sentro ng Wika at Kultura, Cebu Normal University), Dr. Evelyn C. Olquino (Direktor, Sentro ng Wika at Kultura, Bicol University) at Dr. Jovert R. Balunsay (Direktor, Sentro ng Wika at Kultura, Catanduanes State University) sa Lirip 8.

