Lirip 8: Pandaigdigang Kumperensiya sa Filipino
Noong Hulyo 26-28, 2024 ay matagumpay na naisakatuparan ng Lumina Foundation for Integral Human Development, Network of Professional Researchers and Educators, at mga Sentro ng Wika at Kultura ng Catanduanes State University, Central Bicol State University of Agriculture, Bicol University, Sorsogon State University, Camarines Norte State College, at University of Southern Mindanao ang LIRIP 8: Pandaigdigang Kumperensiya sa Filipino na may temang: “𝙁𝙞𝙡𝙞𝙥𝙞𝙣𝙤: 𝙒𝙞𝙠𝙖 𝙖𝙩 𝙇𝙖𝙧𝙖𝙣𝙜 𝙣𝙖 𝙃𝙖𝙣𝙙𝙖 𝙨𝙖 𝙃𝙞𝙣𝙖𝙝𝙖𝙧𝙖𝙥.” Layunin ng Lirip 8 na mapagtagpo ang mga guro, manunulat, tagaplanong pangwika, at iskolar ng iba’t ibang larang upang magbahaginan at magtamo ng bagong kaalaman sa lalong ikasusulong ng Filipino, edukasyon at lipunan.
Sa plenaryo, tinalakay ni Dr. Gregory Ching (gamit ang Zoom) ang paksang, “Embracing Future Thinking with Classroom Action Researches.” Ibinahagi naman ni Engr. Abdon Balde, Jr. ang “Ika-21 Siglong Panitikan sa Pilipinas.” Si Dr. Jovert R. Balunsay ay dinalumat ang “Filipino sa Global na Aspekto”. Nagbigay din ng mensahe ng pagsuporta ang Pangulo ng Bicol University na si Dr. Baby Boy Benjamin D. Nebres III sa Pambungad na Programa ng LIRIP 8.
Ginawaran ng Natatanging Pagtalakay ng Papel Pananaliksik sina:
Dr. Eriberto R. Astorga at Prof. Evelyn M. Polison (katuwang na mananaliksik) – Eulogio Amang Rodriguez Institute of Science and Technology
Bb. Kristine Mae M. Nares – Bicol University
Bb. Jeally-Ann M. Encallado – Laguna State Polytechnic University
Bb. Kate S. Guerrero – Catanduanes State University (kategorya – undergraduate students)
Dr. Rose Ann DP. Aler – Camarines Norte State College ( kategorya – professional)
Dr. Marylet L. Londonio – Bicol University
Mabuhay ang wika at kulturang Filipino! Magkita kita po tayo sa Lirip 9 na gaganapin sa Bohol!






