LIRIP “Sipat-suri: Ang Ika-21 Siglong Kognisyong Guro sa Pagkatuto at Pagtuturong Filipino”
Noong Nobyembre 3-5, 2017, ginanap ang “LIRIP” sa Bayfront Hotel, Cebu City. Ito ay isang pambansang komperensiya sa Filipino na itinataguyod ng Lumina Foundation for Integral Human Development sa pakikipagtulungan ng Network of Professional Researchers and Educators. Layunin nito na mapagtagpo ang mga guro, manunulat, tagaplanong pangwika, at iskolar ng iba’t ibang larang upang magbahaginan at magtamo ng bagong kaalaman sa lalong ikasusulong ng Filipino.
Hinubog din nito ang kasanayan sa pagbuo ng pananaliksik at ang malalim pa na pagsasagawa nito bilang hamon sa mga guro at mananaliksik sa Filipino.
